Idinaos sa Angelo L. Loyola Senior High School Social Hall ang Empowering Key Stage 1 Teachers through Developmentally Appropriate Practices on Early Language Literacy and Numeracy na dinaluhan ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan sa City of Carmona. Ito ay isa sa mga programa ng Department of Education para mapagtibay ang kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral na nasa mga mababang baitang.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona ay palaging nakasuporta sa mga gawain na gaya nito na lilinang sa kakayanan at kaalaman ng mga guro para mapaunlad pa ang sektor ng edukasyon sa ating Lungsod.