Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Sight Saving Month ngayong Buwan ng Agosto, nagsagawa ang Office of the City Health Officer ng refraction o pagsusukat ng salamin para sa libreng eyeglesses ng 50 na mag-aaral mula sa Paligawan Matanda Elementary School (PALMES).
Taos-pusong pasasalamat sa kabutihang loob ng Kawani ng Pamahalaang Bayaan ng Carmona Multi-Purpose Cooperative na nagsilbi bilang sponsor ng naturang aktibidad para sa mga kabataang nangangailangan ng salamin sa mata.