cho carmona conducts walk for sight for sight saving month
August 08, 2025
Pinangunahan ng Office of the City Health Officer (CHO) ang pagdaraos ng Walk for Sight bilang pagdiriwang ng Sight Saving Month ngayong Buwan ng Agosto. Ito po ay ating pinangunahan kasama ang mga Sangguniang Panlungsod Members, Carmona Eye Health sa pangunguna nina Dr. Homer Aguinaldo at Dr. Edna Dichoso, DepEd School Coordinators, mga kawani ng CHO at Pagamutang Bayan ng Carmona, BHWs at FHWs, at ilan nating kababayan na Visually Impaired sa tulong ng mga kawani ng PDAO.
Idinaos din pagkatapo ng Walk for Sight ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Carmona Plaza bilang pagpupugay sa isang dalubhasang manggagamot sa mata o Ophthalmologist at sa kanyang pagpapahalaga sa pangangalaga ng paningin.
Ang naturang pagdiriwang ay isang pamamaraan upang magbigay ng dagdag kamalayan sa ating mga kababayan tungkol sa mga kapansanan sa paningin (vision impairment) at kung ano ang sanhi nito at paano ito maiiwasan, upang bigyang diin na rin ang halaga ng regular eye check-ups.
