solo: asenso for solo parents in carmona

August 07, 2025

Isinagawa sa City of Carmona ang programang SOLO (Soloparent Officers Leading Opportunities): ASENSO, isang Capacity Development on Project Planning para sa Community-Based Livelihood Initiatives para sa mga solo parents ng Lungsod. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Solo Parent Federation at Solo Parent Barangay Desk Officers ng Carmona.

 

Ang aktibidad na ito ay naglalayon na mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga solo parent leaders sa pagpaplano ng mga proyektong pangkabuhayan na tiyak na makakatulong sa kanila.Ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Office of the City Social Welfare Development Officer (CSWDO) upang mas mapalakas at umasenso ang mga solo parents na naninirahan sa City of Carmona. Taos-pusong pasasalamat para kay Dr. Marichelle Ann F. Carreon, MM, HD, PHD, PD-SML na siyang tumayong Resource Speaker ng nasabing aktibidad.