introducing local executives to administration and development (ilead) course of clrg, up-ncpag

August 05, 2025

Nagsilbi bilang Resource Speaker si City Mayor Dahlia A. Loyola sa Center for Local and Regional Governance (CLRG) ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) kung saan siya ay nagbahagi ng kaalaman tungkol sa Role at Leadership ng mga Local Chief Executives at sa ating mga karanasan bilang First Female Mayor ng Carmona.

 

Sa harap ng 28 na lumahok sa kurso kasama ang mga newly-elected na first-termer mayors, ibinihagi ni Mayor Dahlia ang mensahe kung saan ang tunay na sukatan ng pamumuno ay hindi lamang kung gaano karaming ordinansa ang naipasa o proyekto na natapos—kundi kung gaano natin nabago ang buhay ng ating mga kababayan, at kung paano natin hinubog ang mga susunod na maglilingkod sa kanila, gaya sa City of Carmona.