sa bagong pilipinas, lahat may plaka in the city of carmona

August 03, 2025

Sa pangunguna ng Land Transportation Office (LTO) Region IV-A at ng City of Carmona Tricycle Franchising Regulatory Board (CTFRB), idinaos noong August 03 ang “Sa Bagong Pilipinas, Lahat May Plaka Na” sa Lungsod ng Carmona. Nakasama sa naturang programa si Ms. Lynn A. Gutierrez, Chief Transportation Regulation Officer ng LTO Carmona District Office.

 

Layon ng nasabing programa na matugonan ang backlog sa distribusyon ng plaka ng mga motorsiklo at kotse sa pamamagitan ng pagpapabilis ng proseso at delivery. Kabilang ang City of Carmona sa mga lugar na napabilis ang distribusyon nito sa tulong ng LTO IV-A at CTFRB.