cso conference 2025: strengthening participatory governance in the city of carmona
July 31, 2025
Nasa 110 na civil society organizations (CSO) ang dumalo sa CSO Conference sa pangunguna ng Office of the City Mayor at ng City of Carmona CSO Desk. Ito ay dinaluhan ni City Mayor Dahlia A. Loyola kasama si Hon. TJ Loyola, Chairperson of the SP Committee on Public Affairs and People’s Participation.
Sa naturang conference ay tinalakay ang kahalagahan ng participatory governance at binigyang gabay ang mga dumalo sa CSO Accreditation at pagsagot ng mga kinakailangang forms at ng mga paraan ng pakikilahok ng CSOs batay sa Republic Act No. 7160 at iba pang kaugnay na polisiya.
Maraming salamat sa mga nagsilbing Resource Persons ng nasabing Conference sa pangunguna ni CLGOO Ms. Candice Rona B. Ramirez at CSO Desk Officer Ms. Cien Angela Baurile, at sa mensahe ng suporta ni Mr. Patrick Doloros ng Carmona People’s Council.
