Idinaos din ng Persons with Disability Affairs Office ang Basic Life Support Training sa City of Carmona Operations Center. Ito ay naglalayong makapagbigay kaalaman sa mga dumalo at sa mga PWD families para malinang hindi lamang ang kanilang pisikal na kakayanan kundi ang kanilang kaisipan at problem-solving skills para makapagbigay ng life-saving care sa mga taong nangangailangan nito.