courtesy visit

July 18, 2025

Bumisita sa Tanggapan ni City Mayor Dahlia A. Loyola ang isang Kabataang Carmona na kinilala sa larangan ng modeling na si CALEB BARABAT mula sa Barangay Lantic. Si Caleb ay itinanghal na Grand Winner sa Top Model Kids Philippines na nilahukan ng nasa 160 na participants mula sa iba’t-ibang lugar.

 

Siya rin ay nakapasok sa Circle of Ten at nakuha ang Most Telegenic 2025 at Kid Idol of the Philippines. Pagbati sa kaniyang proud parents na sina Joseph at Vina Barabat! Congratulations, Caleb!