Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 at National Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Day, nagsagawa ang Office of the City Disaster Risk Reduction Management Officer (CDRRMO) ng CPR Training na nilahukan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona.
Layon nito na mabigyan ng mahalagang kaalaman at kasanayan ang mga dumalo para makaresponde sa mga life-threatening emergencies gaya ng cardiac arrest at iba pang medical emergencies.