Isinagawa ng Office of the City Social Welfare and Development ay idinaos ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa 173 na beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay sa pangunguna nina City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr. at Sangguniang Panlungsod Members.
Ang AICS ay isa sa mga social welfare services ng DSWD na nagbibigay ng tulong medikal, pampalibing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o tulong pinansyal para sa iba pang support services o pangangailangan ng mga mamamayan at ng kanilang pamilya.