groundbreaking ceremony of the carmona science and technology high school

July 10, 2025

Isang makasaysayang araw para sa sektor ng edukasyon sa City of Carmona!

 

Matagumpay po nating idinaos ang Groundbreaking Ceremony ng ating itatayong Carmona Science and Technology High School na matatagpuan sa Carmona Heights, Barangay Mabuhay. Ito po ay ating pinangunahan kasama sina Cong. Roy M. Loyola, City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., at mga Sangguniang Panlungsod Members.

 

Maraming salamat po sa ating nakasama sa mahalagang programa na ito sa pangunguna ni Cong. Bryan B. Revilla ng Agimat Partylist, Mr. Edison Ng at Mr. Clark Ng ng Devex Incorporated, Mr. Raymart Bautista, Project Manager ng DPWH District 3, at LGU Consultant for Education Dr. Teresita C. Fortuna. Taos-pusong pasasalamat din kay Former Senator Bong Revilla para sa kaniyang mahalagang kontribusyon para sa pagsulong ng proyektong ito.