tanglaw ng lapis: recognition and appreciation for project lapis beneficiaries, parents and volunteers
May 8, 2026
Binigyang pagkilala ang nasa 24 na beneficiaries ng Project LAPIS (Learning Assistance Program and Inclusive Support), na naglalayong tugunan ang literacy development ng mga Out-of-School Youth at mga natukoy na nangangailangan ng karagdagang suporta sa pagbasa. Ito ay sa pangunguna ng Community Affairs and Youth Development Office.
Dito ay binigyang pasasalamat din ang mga magulang, volunteers, at partner organizations na patuloy na sumusuporta sa layunin ng Project LAPIS para sa edukasyon at pagpapaunlad ng komunidad gaya ng Children Federation President, Iskolar ng Bayan ng Carmona, Cavite, Layag Kabataan, Junior Chamber International — Carmona, at Rotaract Club of Carmona.
Ipinamalas din ang pagpapahalaga sa suporta ng mga magulang sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng libreng bigas, habang libreng school supplies naman para sa mga beneficiaries. Idinaos din ang turnover ng implementation nito mula Barangay 12 Milagrosa para naman sa Barangay Maduya, Cabilang Baybay, at Mabuhay upang mas marami pang kabataan at pamilya ang mabigyan ng oportunidad at suporta sa edukasyon.
