free flu immunization para sa 1,500 senior citizens ng city of carmona

May 7, 2026

Ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Health Officer, ay namahagi ng libreng flu immunization para sa 1,500 na senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod. Layon nito na makapaghatid ng mga medikal na serbisyo para sa mga vulnerable sectors sa Lungsod.

 

Palagi nating bibigyang tugon ang mga medikal na pangangailangan ng elderly sector sa City of Carmona upang tiyakin na sila ligtas at protektado sa banta ng anomang sakit.