city drrm council and el niÑo committee joint meeting

May 6, 2026

Sa pangunguna ng ating City Disaster Risk Reduction and Management Council ay isinagawa ang El Niño Committee Joint Meeting para matalakay ang preparasyon na kailangan ng Lungsod para mapaghandaan ang El Niño. Layunin ng naturang pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaang lungsod upang masiguro ang maagap at ang epektibong pagtugon sa mga posibleng suliraning dulot ng matinding init ng panahon.