assistance for victims of fire incidents in sitio agiit, barangay bancal

May 6, 2026

Nagtungo ng personal si City Mayor Dahlia A. Loyola sa Sitio Agiit, Barangay Bancal upang magbigay ng lingap at tulong sa 9 na pamilya na naapektuhan ng insidente ng sunog sa nasabing lugar. Tayo po ay nagbahagi ng libreng food packs, relief goods, at hygiene kits sa mga apektadong pamilya.

 

Titiyakin po natin na matutugunan ang pangangailangan ng bawat pamilyang naapektuhan nito para maging maayos ang kanilang kalagayan. Pinapaalalahanan po ang lahat na mag-ingat at maging alisto sa anomang pwedeng maging sanhi ng sunog.