solobrasyon 2026: national solo parents week and national solo parents day culminating activty
April 18, 2026
Isang makabuluhang araw ng pagkilala, pagkakaisa, at pag-asa ang naganap sa Solobrasyon 2026 noong Abril 18, sa pangunguna ng Office of the City Social Welfare and Development Officer, katuwang ang Solo Parent Federation – City of Carmona Chapter, bilang pagdiriwang ng 2026 National Solo Parents Week Culminating Activity at National Solo Parents Day. Ito ay dinaluhan ng 200 na bagong rehistradong solo parents sa Lungsod.
Idinaos sa nasabing programa ang pagbibigay pagkilala sa ROHM Electronics Philippines, Inc. para sa kanilang mahalagang suporta sa kabuhayan ng ating mga solo parent. Ginanap din ang Financial Literacy Orientation na pinangunahan nina Engr. Alvin Laurence Diawatan at Ms. Diola Ruan, pati na ang pagpapakilala sa Solo Parent Cooperative na magsisilbing sandigan ng komunidad. Idinaos din dito ang iba’t-ibang aktibidad gaya ng games, on-the-spot talent, at Zumba nagbigay sigla sa lahat ng dumalo na tumanggap ng libreng bigas at grocery packages mula sa Lokal na Pamahalaan.
Patuloy nating ipagdiwang ang lakas, tibay, at dedikasyon ng bawat solo parent!
