lgu camona's e-boss and rpt online are now vapt certified!

April 24, 2026

Ikinagagalak na ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Information Technology Officer, na matagumpay na sumailalim ang ating Electronic Business One-Stop Shop (e-BOSS) at Real Property Tax Online Payment (RPT Online) systems sa comprehensive Vulnerability Assessment and Penetration Testing (VAPT) ng Secuna. Ang ating nakamit na Certification of Compliance ay isang milestone sa pagbabatibay ng digital services at safeguarding ng public data sa City of Carmona.


Ito ang nagpapatunay sa ating matibay na dedikasyon tungo sa cybersecurity at data privacy para sa mas protektado at mapagkakatiwalaan na serbisyo publiko ng Lokal na Pamahalaan. Patuloy na isusulong natin ang innovation at digital transformation para sa mga mamamayan ng City of Carmona.