batch 1 of bawat tahanan, may scholar (bts) of lgu carmona

April 19, 2026

Idinaos ang pamamahagi ng educational assistance para sa Batch 1 ng qualified beneficiaries mula Barangay 1-10 ng BAWAT TAHANAN, MAY SCHOLAR (BTS) ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona noong Abril 19 sa CarSiGMA Gymnasium. Ito ay sa pangunguna ng Community Affairs and Youth Development Office.

 

Layon ng programang ito na bawat mag-aaral at bawat tahanan ay mabigyan ng tulong para masiguradong maayos ang kanilang pag-aaral para sa kanilang mga pangarap. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon para sa mas maunlad na komunidad. Sa BTS, may iskolar ang bawat tahanan sa City of Carmona!