abot-kamay para sa laguna de bay
April 22, 2026
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer at sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Maduya, sa pagdaraos ng proyekto na Abot-Kamay Para sa Laguna De Bay: Mission in Action – Solid Waste Recovery sa Carmona River, Dahlia St. sa Barangay Maduya. Ito ay sa pangangasiwa ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) at Coalition of Solid Waste Management Providers.
Sa naturang programa ay idinaos ang pagtalakay ng detalye ng nasabing proyekto at ng mga kaugnay nitong paksa gaya ng Extended Producer Responsibility Act of 2022, Ambient Water Quality, Solid Waste Recovery, at Gender and Development in Environmental Initiatives. Ang mga dumalo ay naghayag din ng kanilang Declaration of Support bilang patunay ng ating pakikiisa sa makabuluhang proyekto para sa kapaligiran.
