juana glow-up: usapang mental Health at self-care para kay nanay
March 14, 2026
Bilang bahagi ng 2026 National Women’s Month Celebration, sa pangunguna ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) katuwang ang Local Council of Women (LCW) ay matagumpay na isinagawa ang Juana Glow Up na naglalayong bigyang-halaga ang kalusugan, kagalingan, at pagpapahalaga sa mga ilaw ng tahanan na mga miyembro rin ng Parent Teacher Associations sa Lungsod.
Sa naturang aktibidad ay nagkaroon ng Seminar on Mental Health na pinangasiwaan ni Dr. Angustia Segubre, kung saan nagbahagi siya ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pangangalaga sa mental health.
Kasunod nito ay magsagawa rin ng Pamper Day kung saan nakatanggap ang mga dumalo ng libreng haircut, manicure, at pedicure, pati na rin bigas bilang dagdag na suporta sa kanilang pamilya.
Sa LGU Carmona, glow-up lahat ng Juana!
