breast examination campaign ng pbc ngayong national women's month
March 16, 2026
Kapa-kapa, paano ka ginagawa? Ngayong National Women’s Month ay idinaos ng Pagamutang Bayan ng Carmona ang Breast Examination Campaign tuwing Miyerkules. Ang naturang health program ay naglalayong ma-promote ang early detection sa mga suliranin sa kalusugan gaya ng breast cancer.
Magpapatuloy ang naturang Breast Examination Campaign sa natitirang Miyerkules ng Marso. Ito ay isinasagawa upang matiyak ang kaligtasan at kapanatagan ng bawat isa, lalo na ng kababaihan, at upang mahikayat ang maagang pagpapasuri at agarang gamutan para sa mas mabilis at mas epektibong paggaling.