218 KABABAIHAN, DUMALO SA BUNTIS ASSEMBLY NG CHO CARMONA

March 17, 2026

Bilang pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month, matagumpay na naisagawa ang Buntis Assembly ng Office of the City Health Officer na dinaluhan ng 218 na buntis mula sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod.
Sa naturang assembly ay pinangunahan ni Dr. Cristy May Española ang lecture ukol sa gabay para sa ligtas na pagbubuntis at pati na rin sa mental health care na tinalakay naman ni Mr. Herald Clarence Ambayec.
Lahat nang dumalo ay nakatanggap ng mga serbisyo gaya ng dental examination, HIV Screening at Counseling, RPFP (Responsible Parenthood and Family Planning) Profiling, at Tetanus Toxoid Immunization. Sila rin ay nabahagian ng buntis kits na kanilang magagamit sa pang-araw araw.
Patuloy nating suportahan ang kalusugan at kapakanan ng mga ina at sanggol sa ating komunidad sa Buntis Assembly.