toda tsuoer-hero 2025: pagkilala sa mga natatanging bida ng lansangan
December 18, 2025
Ipinapaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ang taos-pusong pagbati sa 60 na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) ng Lungsod ng Carmona na nagpakita ng huwarang katapatan, malasakit, at kabutihang-loob sa paglilingkod sa mga kababayan natingcommuters.
Bilang pagkilala sa kanilang mga kahanga-hangang gawain, sila ay pinarangalan bilang mga Natatanging Bida ng Lansangan o TODA Tsuper-Heroes, sa pangunguna nina City Vice Mayor Cesar Ines, Jr. at ng mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod.
Lubos ang aming pasasalamat sa inyong ipinamalas na kagitingan at dedikasyon na sumasalamin sa dangal ng sektor ng TODA at sa diwa ng pagkakaisa ng ating komunidad. Mabuhay ang mga tunay na hari at reyna ng kalsada, ang mga TODA Tsuper-Hero 2025!
