SOCIAL PENSION FOR SENIOR CITIZENS IN THE CITY OF CARMONA
social social for senior citizens in the city of carmona
December 18, 2025
Idinaos ang distribusyon ng social pension para sa mga senior citizens ng ating Lungsod. Ito ay sa pagtutulungan ng Office of the City Social Welfare and Development Officer at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office.
Ang programang ito ay upang magbigay ng suporta sa ating mga senior citizen sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tulong pinansyal na magsisilbing pantustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kabilang ang pagkain at mga gamot.