Sa pangunguna ng ating Persons with Disability Affairs Office ginanap ang Family Day noong December 16, 2025. Ito ay may temang “Polisiyang Makapamilya tungo sa Mahigit na Matatag, Maginhawa, at Panatag na Pamilyang Pilipino sa Bagong Pilipinas”. Ito ay bahagi ng Social Enhancement Program para sa ating minamahal na PWD Learners.
Aktibong nilahukan ng mga dumalo ang iba’t-ibang booth exhibit at fun games na inihanda ng PDAO Carmona. Layon ng nasabing programa na matutunan ng mga learners ang group dynamics sa pamamagitan ng iba’t-ibang group activities at upang pagtibayin din ang samahan ng mga magulang.