pantawid pasada program for 2,027 tricycle at jeepney drivers in carmona

December 13, 2025

Bilang pagkilala at pasasalamat sa walang sawang paglilingkod ng ating mga bayani ng lansangan, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa ilalim ng Pantawid Pasada Program para sa 2,027 na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) at Public Utility Jeepney Association in Carmona (PUJAC).


Nawa’y magsilbing dagdag-tulong ang munting handog na ito sa pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng inyong mga pamilya. Kami po ay patuloy na nananalangin para sa inyong kaligtasan sa inyong pamamasada. Maraming salamat at mabuhay po kayo!