pamaskong handog for senior citizens in barangay lantic

December 19, 2025

Isang maagang pagbati ng Maligayang Pasko sa ating mga minamahal na Senior Citizens mula sa Barangay Lantic!


Kasama sina Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr. at mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, isinagawa po natin ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa Senior Citizenz ng Barangay Lantic bilang pagpapakita ng malasakit at pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona.


Nawa’y magsilbing simbolo ng diwa ng Kapaskuhan ang munting handog na ito at maghatid ng saya at pag-asa sa inyong pagdiriwang ng Pasko at sa pagsalubong sa Bagong Taon.