FINANCIAL ASSISTANCE FOR 174 CHEMOTHERAPY AND HEMODIALYSIS PATIENTS IN THE CITY OF CARMONA
financial assistance for 174 chemotherapy and hemodialysis patients in the city of carmona
December 18, 2025
Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Social Welfare and Development Officer, ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa 174 Chemotherapy at Hemodialysis patients mula sa City of Carmona para sa kanilang mga medikal na gastusin at pangangailangan.
Hangad po namin ang inyong patuloy na paggaling at nawa’y mabiyayaan ang lahat ng magandang kalusugan. Titiyakin ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ang alalay at suporta para sa inyong mga pangangailangan.