city treasurer's office conducts barangay symposium

December 01, 2025

Dinaluhan ng mga Barangay Captain at mga kawani ng mga barangay ng City of Carmona ang isinagawang Barangay Symposium na pinangasiwaan ng Office of the City Treasurer. Dito ay tinalakay ang iba’t-ibang batas at alituntunin kaugnay sa maayos na pananalapi para masigurado ang maayos at transparent na finance governance hindi lamang sa Lokal na Pamahalaan pati na rin sa bawat mga barangay.