annual business forum of peso carmona
December 17, 2025
Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Public Employment Service Manager (PESO) Carmona, matagumpay na naisakatuparan ang Annual Business Forum 2025 sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor ng negosyo at mga katuwang na business partners ng City of Carmona.
Ang nasabing forum ay nagsilbing isang makabuluhan at makabuluhang pagtitipon na naglalayong higit pang patatagin ang ugnayan sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at sektor ng negosyo. Tinalakay sa okasyong ito ang mahahalagang usapin kaugnay ng labor standards, Special Program for Employment of Students (SPES), at PhilJobNet, na naglalayong isulong ang disenteng trabaho, legal na kabuhayan, at inklusibong pag-unlad ng ekonomiya para sa lahat.
