SEMINAR-WORKSHOP ON STRESS MANAGEMENT IN THE WORKPLACE
seminar-workshop on stress management in the workplace
December 12, 2025
Ginanap ang Seminar-Workshop on Stress Management in the Workplace sa pangunguna ng Office of the City Human Resources Management Officer. Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona.
Layon ng nasabing seminar-workshop na mabigyang kaalaman ang mga lumahok tungkol sa mga sanhi at epekto ng stress sa trabaho at upang mabigyan ang mga kalahok ng praktikal at epektibong pamamaraan upang mapanatili ang mabuting kalusugang pisikal, mental, at emosyonal ng bawat kawani.