road summit 2025: together on the road
December 06, 2025
Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng City of Carmona Tricycle Franchising Regulatory Board (CTFRB) ang Road Summit 2025 na may temang “Together on the Road: Commitment, DIscipline & Growth. Ito ay dinaluhan ng nasa 500 na drivers na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) at ng Public Utility Jeepney Association in Carmona (PUJAC).
Dito ay tinalakay ang iba’t-ibang issues tungkol sa transportasyon gaya ng road safety upang maisaayos at mapagtibay ang koordinasyon ng bawat isa tungo sa mas organisado at epektibong sistema ng transportasyon sa Lungsod. Maraming salamat sa ating CSU Unit/CARTMO Head na si Securit Officer IV Col Virgilio V Rubio sa na nagsilbi bilang Resource Speaker ng nasabing programa.
