HANDOG EXTRANG LINGAP PROGRAM FOR 395 PWDs IN CARMONA
handog extrang lingap program 395 pwds in carmona
December 11, 2025
Sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), isinagawa ang pamamahagi ng Handog Extrang Lingap Program (HELP) para sa 395 na Persons with Disabilities (PWDs) ng Lungsod ng Carmona na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong mga buwan ng Oktubre.
Belated happy birthday po sa inyong lahat at nawa’y magsilbing tulong ang munting handog na ito sa pagtugon sa inyong pang-araw-araw na pangangailangan. Ang HELP ay isa sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona na naglalayong isulong ang isang inklusibo at may malasakit na komunidad para sa mga PWDs para sa isang lungsod kung saan walang kahit sinoman ang maiiwan at tunay na Dapat Angat Lahat.