GAD INFORMATION CARAVAN: SOCIAL MEDIA AS TOOL FOR PUBLIC ENGAGEMENT
gad information caravan: social media as tool for public engagement
December 09, 2025
Sa pangunguna ng Office of the City Information, Tourism, Culture and Arts Officer ay idinaos ang Gender and Development (GAD) Information Caravan tungkol sa “Social Media as Tool for Public Engagement” na dinaluhan ng mga Focal for Information ng mga Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Lungsod.
Taos-pusong pasasalamat kay Ms. Era Mae Encina na nagsilbi bilang Resource Person at nagbahagi ng kaniyang kaalaman sa mga dumalo. Idinaos din sa nasabing programa ang pagsasaayos ng Barangay Information Team na magpapadali ng daloy ng impormasyon mula sa Lokal na Pamahalaan patungo sa bawat barangay.