GAD INFORMATION CARAVAN: SKILLS ENHANCEMENT WORKSHOP ON PROGRAM HOSTING AND MODERATION
gad information caravan: skills enhancement workshop on program hosting and moderation
December 09, 2025
Idinaos ng Office of the City Information, Tourism, Culture and Arts Officer ang ikalawang bahagi ng Gender and Development (GAD) Information Caravan kung saan ginanap ang Skills Enhancement Workshop on Program Hosting and Moderation na dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona at ng Sangguniang Barangay.
Maraming salamat kay Ms. Kriszia “VJ Kring” Prologo ng MYX na nagsilbi bilang Resource Person ng naturang workshop. Layon ng nasabing aktibidad na malinang ang kakayanan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapadaloy ng mga programa nito para sa maayos at epektibong serbisyo publiko para sa mga mamamayan.