Bilang suporta sa kanilang patuloy na paglilingkod, nagkaloob ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona ng handog na bigas sa mga kawani ng Philippine National Police (PNP) Carmona at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Carmona. Ito po ay upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at sa mas maayos na pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng Lungsod ng Carmona.