distribution of educational assistance for project sinag and spark benificiaries in carmona
December 11, 2025
Isinagawa ang pamamahagi ng educational assistance para sa mga benepisyaryo ng Project SINAG (Scholarship, Incentives, and Networks in Advancing Graduate Studies) at Project SPARK (Specialized Program for Achieving Review Knowledge) ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona. Ang programang ito ay inilaan bilang suporta sa mga kababayan nating nagpapatuloy ng pag-aaral sa antas ng masteral at doktorate, gayundin sa mga naghahanda para sa kanilang board examinations.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang inyong mapagtagumpayan ang inyong mga napiling propesyon. Tinitiyak ng Lokal na Pamahalaan ng Carmona ang patuloy na pakikiisa at suporta upang matulungan kayong makamit ang inyong mga pangarap at mithiin sa buhay.
