city of carmona wins big in manila bayani awards and incentives 2024
December 09, 2025
Lubos na pagmamalaking ipinapabatid sa lahat na nag-uwi ng mga pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO), sa idinaos na Manila BAYani Awards and Incentives 2024 kung saan ating nauwi ang mga sumusunod na pagkilala sa ginanap na 2025 Manila Bay Day Awarding Ceremony :
- CALABARZON REGION’S NATIONAL FINALIST – City Category in the Manila Bayanihan Awards and Incentives 2024
- 1ST PLACE – Highest Score among the Cities in the CALABARZON Region.
- PLATINUM AWARDEE – for attaining the highest score among the Cities in the Province of Cavite under the LGU compliance Assessment 2024
- PASSER – for attaining 85% and Above Rating score under the LGU Compliance Assessment 2024
Ito po ay bunga ng ating naging magandang ipinamalas sa Local Government Unit (LGU) Compliance Assessment (LGU-CA) sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kumikilatis sa ating mahusay na environmental rehabilitation, waste management, sanitation, at financial transparency.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng bawat mamamayan ng City of Carmona upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng ating kapaligiran. Congratulations po sa ating lahat at nawa’y magpatuloy pa ang ating adhikain para sa kapaligiran!
