city of carmona clgoo is top 1 best m/clgoo for 2025 praise awards

December 10, 2025

Congratulations sa City Local Government Operations Officer (CLGOO) ng City of Carmona na si MS. CANDICE RONA B. RAMIREZ na binigyang pagkilala bilang TOP 1 – BEST M/CLGOO sa 2025 Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) ng DILG CALABARZON!

 

Ang pagkilalang ito ay patunay ng iyong kahusayan at walang kapagurang dedikasyon sa paggabay sa Lokal na Pamahalaan upang matiyak na ang bawat serbisyong ipinagkakaloob ay may saysay at tunay na nakatutugon sa pangangailangan ng mamamayan at komunidad. Isang maalab na pagbati at taos-pusong pasasalamat mula sa Pamahalaang Lungsod ng Carmona!

 

  1. CHO CARMONA, RECOGNIZED AT THE DOH CHD CALABARZON 1ST  REGIONAL INTEGRATED AWARDING CEREMONY

 

Nag-uwi ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Health Officer (CHO), sa idinaos na Department of Health (DOH) Center for Health and Development (CHD) CALABARZON 1ST Regional Integrated Awarding Ceremony kung saan ating nakamit ang mga sumusunod na pagkilala:

 

  • Certificate of Recognition for 100% Timely FHSIS Compliance Award
  • Certificate of Recognition for Outstanding 179% Blood Collection Accomplishment in 2024
  • Plaque of Recognition in the Implementation of Smoking Cessation and Tobacco Control Program Policies & Initiatives
  • Plaque of Recognition for its Exemplary Documentation of Good Practices in Health Year 2024 entitled: “Balik Paningin Program”
  • Plaque of Recognition as the City with Best National Eye Health Program (NHEP) Implementation
  • Plaque of Recognition as the Top Performing City in the implementation of the Local Government Unit Health Scorecard (LGUHSC)

 

Ang pagkilala pong ito ang sumasalamin sa ating mga makabuluhang programa para sa kalusugan at ang ating pagsulong upang makapaghatid ng accessible medical services sa bawat mamamayan ng City of Carmona.

 

Congratulations po sa CHO sa pangunguna ni Dr. Homer Aguinaldo at sa kabuuan ng LGU Carmona para sa kanilang dedikasyon para sa healthy City of Carmona.