AWARDING CEREMONY NG GADABLE KA NA BA: EMPOWERING BARANGAYS FOR A GENDER-INCLUSIVE AND GENDER CONSCIOUS COMMUNITY
awarding ceremony ng gadable ka na ba: empowering barangays for a gender-inclesive and gender conscious community
December 12, 2025
Sa pangunguna ng Office of the City Gender and Development Officer ay idinaos ang Awarding Ceremony ng GADable Ka Na Ba: Empowering Barangays for a Gender-Inclusive and Gender Conscious Community na nilahukan ng mga Sangguniang Barangay sa Carmona. Dito ay nagpakitang gilas ang bawat barangay sa makabuluhang pagdidisenyo ng kanilang GAD Corner para mapalawak ang mga gender and development (GAD) advocacies sa kanilang mga nasasakupan. Pagbati sa mga nagwagi at maraming salamat sa pagsulong ng isang gender-inclusive at gender conscious na komunidad para sa lahat.