Pinangunahan ng Office of the City Human Resources Management Officer ang pagdaraos ng 2025 Annual Performance Review na dinaluhan ng mga miyembro ng Performance Management Team (PMT) Strategic Performance Management System (SPMS) – Technical Working Group ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona.
Layon ng nasabing aktibidad na maisaayos ang SPMS Calendar ng Lokal na Pamahalaan at ang maayos na implementasyon ng Inventory ng mga Major Final Outputs (MFO) at mga Success Indicators nito, at ang mas organisadong pagpapasa ng IPCR at OPCR ng bawat kawani.