tanglaw 2025: christmas lighting at the park

November 28, 2025

Tunay na ramdam natin ang Puso ng Kapaskuhan sa City of Carmona!

 

Maraming salamat sa lahat ng aming nakasama sa Tanglaw 2025: Christmas Lighting sa ating City Park kung saan ating pormal na binuksan ang ating mga inihandang pailaw bilang simula ng ating masayang selebrasyon ng Kapaskuhan.

 

Kasama ating selebrasyon ay tayo po ay magbabahagi ng cash donation mula sa Handog ng mga Empleyado, Lingap Pamasko o HELP at Lingap ng Puso ng Kapaskuhan ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa ABS-CBN Foundation bilang tulong sa mga lubhang naapektuhan ng mga dinanas nating bagyo at iba pang sakuna sa nagdaang taon. Ang pagtulong sa kapwa ay totoong halaga ng Kapaskuhan.

 

Kaya naman iniimbitahan ko po ang lahat na bumisita sa ating City Park sa Barangay Lantic, Lunes hanggang Linggo, simula 6:00 PM upang ma-enjoy ang ating inihandang Christmas Lighting. Advanced Merry Christmas po sa ating lahat!