popcom carmona recieves certificates of recognition from popcom cavite
November 25, 2025
Bilang pakikiisa sa Population and Development Week, ginawaran ng dalawang Certificate of Recognition ng Office of the Provincial Population Officer ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Population Officer, sa ginanap na awarding ceremony noong November 25 sa Tagaytay City Hall.
Ang pagkilalang ito ay iginawad dahil sa husay, dedikasyon, at mahusay na pagpapatupad ng mga programang pang-populasyon at pag-unlad, gayundin ang pagsulong ng innovation partikular sa programa na Mr. GAD Katropa. Ito ang patunay ng walang sawang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan upang maihatid ang makabuluhang serbisyo para sa mga mamamayan ng Carmona tungo sa isang Mas maunlad, Mas masigla, at Mas responsableng komunidad.
Lubos na pasasalamat sa lahat ng partner agencies at mga mamamayan na patuloy na tumutugon at sumusuporta sa mga programa ng Lokal na Pamahalaan.
