lgu carmona kicks off 18-day campaign to end violence against women
November 25, 2025
Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Social Welfare and Development Officer at ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence against Women and their Children ang Kick-Off ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women.
Ito ay dinaluhan ng mga community at school-based organization at agencies mula sa children at elderly sector, kasama ang mga civil society organizations na may adbokasiya para sa mga kababaihan at pamilya.
Sa nasabing Kick-off ay ginanap ang orientation ukol sa 18-Day Campaign at RA 9262 o Anti-VAWC Act at ang Community Introduction para sa bagong LCAT-VAWC System na SAGIP. Ginawa rin dito ang Ceremonial Turnover ng 18-Day Campaign Banners sa mga barangay pati na rin ang Turnover ng VAW Hotline Stickers sa mga miyembro ng TODA at PUJAC. Lahat ng dumalo ay nakiisa sa Signing ng Panata upang wakasan ang karahasan sa mga kababaihan.
Kasabay nito ay binigyan din ng pagkilala ang mga Barangay VAW Desk Officers at ginawaran sa VAW-Free Barangay Awards ang Barangay 2, 3, at 4 Poblacion na nakapagtala ng zero (0) VAWC Cases simula January hanggang October 31, 2025.
Bilang pagtatapos ay ginanap ang distribusyon ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Carmona para sa mga women in difficult circumstances o mga VAW victim-survivor ng mga barangay.
