launching of the lingap program of dilg-blgd

November 24, 2025

Nagsilbi bilang Resource Speaker si City Mayor Dahlia A. Loyola sa ginanap na Launching ng Local Initiative in Governance and Social Protection (LINGAP) Program ng Department of the Interior and Local Government, sa pamamagitan ng Bureau of Local Government Development (BLGD). Dito ay kaniyang  ibinihagi ang ipinagmamalaking PWD Programs ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na kinilala sa UNESOC, IFIP Global Inclusion Awards sa Paris, France.

 

Ang LINGAP Program ay isang key initiative ng DILG na naglalayong bumuo ng mga programa at polisiya para sa diversity at inclusion ng mga vulnerable sectors para mabigyan sila ng kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagsama ng Gender Equality, Disability, and Social Inclusion (GEDSI) sa epektibong pamamahala.