KASAMA KA, KAHIT SENIOR KA PROGRAM OF PESO CARMONA
kasama ka, kahit senior ka program of peso carmona
November 24, 2025
Pinangunahan ng Office of the City Public Employment Service Manager, sa pakikipagtulungan ng Office of the Senior Citizen Affairs, ang Kasama Ka, Kahit Senior Ka Program noong Nobyembre 24, 2025. Dito ay nasa 38 na senior citizens ang dumalo bilang trainees na sumailalim sa mga training gaya ng paggawa ng pastries at delicacies, perfume making, lotion making, at hand sanitizer making.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga trainors na sina Ms. Corazon A. Tepora at Ms. Marivic D. Sigue na nagbahagi ng kanilang kaalaman para sa ating mga senior citizens.