city of carmona receives plaque of recognition for ph-ogp lacalization program
November 28, 2025
Ginawaran po tayo ng Plaque of Recognition mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) CALABARZON dahil isa po tayo sa 10 LGUs na bubuo sa First Cohort ng Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) Localization Program.
Ang OGP Localization Program ay isang initiative mula sa nasabing ahensya na magta-transform ng local governance sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa transparency, accountability, at citizen participation sa puso ng ating local decision-making.
Ito po ay magsisilbing patunay ng ating dedikasyon upang makiisa sa pagtulong at paglikha ng makabuluhang serbisyo publiko at may pusong pamamahala para sa mga mamamayan. Congratulations, City of Carmona!
