city of carmona is outstanding national nominee in the 2025 rafael m. salas kaunlarang pantao award
November 26, 2025
Malugod ko pong ibinabahagi sa lahat na ginawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Population Officer, bilang Outstanding National Nominee at Citation Award para sa 2025 Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award: Search for Outstanding LGUs in Localizing Population and Development Agenda para sa City Category na idinaos sa Richmonde Hotel, Eastwood City, Quezon City noong November 26, 2025.
Kahit bago pa lang po ang ating Tanggapan sa populasyon ay ito ang patunay ng ating mahusay na pamamahala at pagsulong ng mga programa para sa Lungsod. Ito ay bunga ng ating pagkilala sa ating exemplary efforts at mahahalagang kontribusyon para makamit ang mga layunin at harangin ng Philippine Population & Development Plan of Action.
Congratulations, City of Carmona!
