city of carmona is exemplar city/lgu in 2025 subaybayan awards

November 26, 2025

Lubos ko pong ipinagmamalaki na kinilala ang City of Carmona bilang EXEMPLAR CITY/LGU sa 2025 SubayBAYANI Awards ng Department of the Interior and Local Government bilang pagkilala ating naging outstanding performance tungo sa excellent infrastructure governance para sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na buhay para sa mamamayan ng Lungsod at ng bansa.

 

Nakasama natin sa ating programa sina President Ferdinand Marcos, Jr. at si DILG Sec. Jonvic Remulla na nagbahagi ng mensahe ng pagbati sa lahat ng kinilalang Lokal na Pamahalaan. Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating dekalidad na serbisyo publiko at pamamahala kung saan binibigyang halaga ang pag-unlad ng bawat mamamayan.

 

Pagbati, City of Carmona!